SSS magsasagawa ng isa pang RACE campaign sa Agosto

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng isa pang Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ang Social Security System (SSS) sa Agosto nitong taon upang paalalahanan ang non-compliant employers at utusan ang mga itong i-settle ang kanilang obligasyon.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo required ang isang Branch na dalawang beses magsasagawa ng RACE operations.

Ngayong taon ay naka-dalawa nang RACE activity ang SSS Daet Branch dahil ang pinakauna ay noong Abril na tinawag na special operations dahil sa pag obserba ng Labor Day. Ang unang regular RACE activity naman ay ginawa noong Mayo.

Ang mga employer na masa-subject sa RACE ay mayroong 15 araw para mag-comply sa Republic Act No 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Wala itong extension at kung mabibigo ang employer na mag-comply sa kautusan ng SSS ay iaakyat ang usapin sa legal department para sa posibleng paghahain ng kaso sa korte.

Ang RACE ay isa umanong commitment ng SSS para obligahin ang mga employer na sumunod sa batas sa pamamagitan ng pagrerehistro ng kanilang mga empleado at pagremit ng kontribusyon na kinakaltas sa sweldo ng mga ito.

Obligasyon ng employer na ireport sa SSS sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng employment ang kanilang mga empleado para na rin sa social security protection ng huli.

May programa ang SSS na makakatulong sa mga employer na may delinquency para ma- settle ang kanilang obligasyon.

Ito ay ang Contribution Penalty, Condonation Delinquency Management and restructuring Program (CPCoDe MRP) para sa business employers saklaw ang lahat ng single proprietors, corporations, partnerships, cooperative and associations.

Ang isa pa ay Contribution Penalty Condonation Program (CPCR-P) para sa household employers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *