SSS muling maghahain ng notice of violation sa ilang employer sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Ipagpapatuloy ng Social Security System ang paghahabol sa mga delinquent employer sa pamamagitan ng paglulunsad ng Run After Contributions Evaders (RACE).

Sa susunod na linggo ay muling maglulunsad ng RACE ang SSS sa mga delingquent employer sa Camarines Norte para obligahin ang mga itong i- settle ang kanilang delinquency. Ito na ang ika- apat na pagkakataon na naglunsad ng RACE ang SSS sa lalawigan na epektibong hakbang umano hindi lang para habulin ang mga employer na lumalabag sa social security act kundi para matulungan din silang maibalik ang “good standing” sa SSS.

Batay sa datos ng SSS Daet Branch, sa tatlong RACE operations noong nakaraang taon at sa 18 employer na mayroong halos isang daang empleado ang involve, 17 dito ay full payment na habang ang isa naman ay isinailalim sa Warrant of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).  Matatandaan na bago matapos ang Abril ay nasa walong employer sa Camarines Norte ang sinilbihan ng notice of vaiolation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *