SSS muling nagbabala sa mga employer na hindi tumutupad sa kanilang legal obligation ngayong araw ng paggawa

CAMARINES NORTE – Muling nagbabala ang Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi ginagawa ang kanilang legal obligation tulad ng pagre- remit ng contribution at registration.

Sa Press Briefing kahapon, binigyang diin ni Atty. Melanie Santiago, ng Luzon Bicol Division Legal Department na seryoso ang SSS sa paghahabol ng mga delinquent employer.

Kahapon nagsagawa ang SSS ng nationwide, simultaneous Run After Contribution Evaders o RACE na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw.

Walong employer dito sa bayan ng Daet ang binista ng SSS para silbihan ng order na sa loob ng 15 araw ay dapat nilang i- comply para hindi na maiakyat sa legal division at makasuhan o kaya ay magresulta pa sa Warrant of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).

Sa walong employer na may mahigit 30 empleado ang involve, 7 ang non- remittance ang violation habang ang isa naman ay non registration. Mahigit 200K ang collectibles ng SSS.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo, naiiba ang RACE na ginawa kahapon dahil binibigyang pansin dito ang mga mangagawa kaya ang aktibidad ay tinawag na Alay ng SSS para sa mga Mangagawa kaugnay sa pagdririwang ng araw ng paggawa.

Batay sa datos ng SSS Daet Branch, sa tatlong RACE operations noong nakaraang taon sa 18 employer na mayroong halos isang daang empleado ang apektado, 17 dito ay full payment na habang ang isa naman ay isinailalim sa WDLG.

Nakuha na ng SSS ang bank account ng employer na isinailalim sa WDLG at naghahanap pa ng ibang property nito ang SSS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *