SSS, nakapagpalabas na ng P392-M para sa mga pensioners sa R-12

KORONADAL CITY – NAKAPAGPALABAS na ng P392-Million na loans ang Social Security System o SSS sa kwalipikado na mga pensioners sa SOCCSKSARGEN simula noong Enero hanggang Disyembre 2023.

Ayon kay SSS South Mindanao II senior communications analyst Noel Nacion, nasa 9,476 pensioners sa rehiyon ang nabigyan ng kanilang mga Pension Loan Program o PLP. Base sa impormasyon, nasa P149-Million ang na-release na pondo sa 3,894 na mga retirees sa General Santos City; P130-Million naman ang na-release sa 2,540 na mga retirees sa Koronadal City kaugnay sa kanilang SSS financial support.

Dagdag nito, na nasa P42.38-Million ang na release sa 1,224 retirees sa probinsya ng Cotabato kaugnay sa pension loan ng program; nasa P33-Million ang naibigay sa 908 lahat na mga pensioners sa Kidapawan City; samantala P35.79-Million naman ang na-release sa 910 retirees sa Tacurong City. Ipinaliwanag ni Nacion, na ang programang ito ay maaaring magamit para sa pagbayad ng medical expenses, home repairs, o para sa educational expenses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *