SSS tiniyak na regular ang kanilang monitoring para masiguro ang pagsunod sa batas ng mga employer sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Social Security System (SSS) na regular ang kanilang monitoring sa mga employer sa Camarines Norte upang masiguro ang pagsunod ng mga ito sa batas partikular ang obligasyong mag remit ng contribution at irehistro ang kanilang mga empleado.

Sa isang Press Conference sinabi ni SSS Daet CEO II- Accounts Management Section Myrna Emata na mayroon silang ginagawang regular na mapping operation at ang mga napuntahang establishment ay nilalagyan ng sticker.

Ginagawa umano ng SSS na mabisita ang mga ito kahit isang beses sa isang taon delinquent man o maging ang mga employer na regular na nagre- remit sa SSS.

Binigyang diin ni Emata na hindi porke nagre- remit ng kontribusyon sa SSS ang isang employer ay compliant na talaga ito.

Maaari kasi aniyang ibinabayad ng employer ang ibang empleado habang ang iba naman ay hindi  inirereport.

Tatlo hanggang apat na beses umano sila nagsasagawa ng mapping operation kada linggo.

Gayunman aminado ang SSS na kulang sila ng Account Officer at umaasang mapupunan na ngayong taon ang mga bakante.

Nagsumite na umano ng proposal ang SSS Daet Branch para punan ang mga bakanteng posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *