Staff ng COVID- 19 ward na isinailalim sa RT- PCR test sa nagdaang 3 linggo negatibo sa sakit

CAMARINES NORTE- Masayang ibinalita ng Camarines Norte COVID- 19 team sa pamamagitan ng kanilang facebook page na negatibo ang resulta ng RT- PCR o swab test ng mga staff ng COVID- 19 ward sa nagdaang tatlong linggo.

Ayon pa sa grupo ng mga health workers na nag aasikaso sa mga COVID- 19 patients nakatanggap na rin ng unang dose ng bakuna ang huling grupo ng kanilang team.

Mahalaga umano na protektado ang mga frontliners na nangangasiwa sa pagpapatakbo ng operasyon at nangangalaga sa mga pasyenteng naka-confine maging ang mga nasa checkpoint.

Yan ay sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit makaraang makapagtala na naman ng 16 na bagong kaso kahapon ang lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon sa Department of Health (DOH) nasa 6, 110 na frontline workers na ang nabakunahan sa probinsiya.

Inaasahang may mga darating pang bakuna sa lalawigan dahil mayroong dumating kahapon na nasa 67, 200 doses sa DOH Bicol.

Photos courtesy of: Camarines Norte Covid-19 team

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *