Stakeholder’s summit para sa formulation ng 5-year Local Tourism Development plan ng LGU Mercedes, isinagawa

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng ilang araw na stakeholder’s summit ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte para sa formulation ng Local Tourism Development Plan sa susunod na limang taon o mula ngayong 2023 hanggang 2028.

Ginawa ito upang mapakingan ang iba’t-ibang sektor na may mahalagang papel sa tourism promotion.

Kabilang sa mga inimbitahan sa ilang araw na consultation ay ang accommodation at transportation sector, food establishments, recreation, Tourism Committee Chair ng mga Sangguniang Barangay at iba’t-ibang  samahan na namamahala sa tourism activities.

Sa huling araw ng stakeholder summit kahapon ay ang communication sector naman ang kinausap na kinabibilangan ng mainstream media at vloggers.

Ayon kay Dr. Mechelle Grace Geromo, Project Development Coordinator na siyang naatasang bumalangkas ng LTDP, isusunod na nila ang site evaluation ng mga potential tourism site na mayroon ang Mercedes.

Bukod kasi sa mga kilala nang tourist destination ngayon sa naturang bayan na pinupuntahan ng mga turista tulad ng siete pecados o 7 islands, Colasi falls at iba’t- ibang resorts ay mayroon umanong mga bagong nadiskubre na tourist destinations sa naturang bayan.

Sisimulan ang site evaluation sa potential tourism sites sa susunod na linggo.

Ayon kay Geromo target ng kaniyang team na matapos sa loob ng tatlong buwan ang LTDP 2023-2028 bago man lang ganapin ang Kadagatan Festival at 75th founding anniversary ng Mercedes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *