Starmall sa Mandaluyong City, nasunog!

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa posibleng pinagmulan ng sunog na sumiklab ngayong umaga sa malaking mall sa Mandaluyong City.

Ayon sa inisyal report ng BFP umabot sa unang alerto ang sunog sa Starmall shopping center sa Shaw Boulevard na unang itinawag banda 6:42 ng umaga.

Agad naman itong naideklarang fire out banda 6:50 ng umaga.

Sinabi ng BFP na hindi naman naapektuhan ang kabuoang istraktura ng mall dahil nangyari ang sunog sa parking lot nito na ginawang tiangge.

Sa ngayon hindi pa masabi ng mga pamatay-sunog kung magkano ang danyos sa naturang insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *