Station IDOL of the Month inilunsad ng PRO3

Inilunsad ng Police Regional Office 3 ang tinatawag na Station IDOL of the Month program.

Ito ay bilang pagbibigay pugay sa dedikasyon sa trabaho ng mga kapulisan sa iba’t ibang bayan at city police station sa rehiyon.

Ang salitang IDOL ay tumutukoy sa Ideal Deeds of a Law Enforcer na inisyatibo ng PRO3 para maitaas ang morale ng mga tauhan ang kilalanin ang kanilang kontribusyon sa pagpapatupad ng peace and order.

Ang programa ay pinangungunahan ng Station Selection Committee na siyang kikilala sa mga deserving individuals ng bawat istasyon.

Ang mga ito ay kikilalanin tuwing Lunes kasabay ng Flag Raising Ceremony sa bawat police stations.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *