Status ng Pilipinas hinggil sa money laundering, tinalakay sa Palasyo

Sumabak agad sa trabaho si Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw, matapos nitong pangunahan ang sectoral meeting sa Palasyo ng MalacaƱang.

Natalakay sa pagpupulong ang status ng bansa sa gray list ng Financial Action Task Force o FATF patungkol sa money laundering.

Dito inatasan ng Pangulo ang lahat ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na tugunan ang mga natukoy na strategic deficiency ng FATF patungkol sa paglaban ng bansa sa anti-money laundering.

Bahagi ng trabaho ng FATF ang pagsasaliksik kung papaano naisasagawa ang money laundering at papaano nito napopondohan ang terorismo.

Sila rin ang nagtataguyod ng pandaigdigang pamantayan upang maibsan ang panganib ng money laundering at nag a-assess sa inisyatibo ng iba’t ibang bansa laban dito.

Samantala present sa sectoral meeting sina Anti-Money Laundering Council o AMLC Head Atty. Matthew David, Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs na si Frederick Go, at mga opisyal ng SEC, BSP, NICA, APECO, PDEA, at IC.

Gayundin ang mga gabinete ng Pangulo kabilang ang kalihim ng DOF, DTI, DILG, at CEZA administrator, kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Special Asst. to the President Antonio Lagdameo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *