Step 2 ng registration ng National IDsa Cauayan City, magsisismula na sa lunes

Handa na ang PSA Isabela sa pagbubukas ng registration ng step 2 ng National ID sa Lunes Lungsod ng Cauayan.

Ito ang kinumpirma ni MS. Cristulu Geronimo ng PSA Isabela at Focal Personng PhilSys ng Lalawigan sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Geronimo, target nila sa unang araw ang nasa 510 na registrants kung saan 51 kada oras ang iaakomada ng kanilang 17 Kit Registration Machine.

Mas maraming bilang namang ang kanilang target kada oras  na marehistro sa mga susunod na araw.

Unang sasalang ang Barangay Cabaruan sa registration ng step ng national ID na gaganapin sa SM City na bukas mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Pinaalahanan naman ang mga pupuntang magpaparehistro na magdala ng valid ID at kung wlang maiprisinta ay kumuha lamang ng Barangay Certification kasama ang Birth Certificate.

Dagdag pa ni Geronimo, baliwaliin na ang dating text message na galing sa kanila at hintayin lamang ang kanilang update na text message para sa kanilang bagong schedule.

Target na marehistro ang nasa 43, 247 na residente ng Cauayan City sa loob ng 63 days kung saan ito ay ang mga naunang sumailalim sa pre-registration noong nakaraang taon.

Samantala, tiniyak naman ng naturang tanggapan at Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang pagpapatupad ng health  protocols sa naturang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *