Stock ng bigas sa bansa, bumaba

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ng 25% ang rice inventory ng bansa noong Disyembre.

Sa datos ng PSA, nakita na mula sa 2.53 million metric tons (MT) noong December 2022, bumaba sa 1.90 million metric tons ang nakaimbak na bigas sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang rice supplies mula sa National Food Authority (NFA), household sectors, at commercial sectors – na mga nagsibabaan din.

Maaalalang nanindigan ang Department of Agriculture (DA) noong nakaraang taon na sasapat ang rice supply ng Pilipinas hanggang sa buwan ng Marso o Abril, dahil na rin sa inaasahang imports galing sa Vietnam at India.

Samantala, kasabay ng pagbaba ng suplay ng bigas, nakitaan naman ng pagtaas ang corn stock,

Umabot na ito sa 685.89 thousand MT noong Disyembre ng nakaraang taon, mula sa dating 545.03 (MT) noong kaparehong buwan ng 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *