Strip search ng Bilibid – inireklamo ng dalawang maybahay sa CHR dahil nakakababa ng dangal

SENSITIBONG BALITA: Inireklamo ng dalawang maybahay ng mga bilanggo ang isinagawang strip search sa New Bilibid Prison.

Ang body cavity search ay isang pagsusuri sa buong katawan para makita kung may itinatagong gamit na hindi puwedeng ipuslit sa loob ng piitan.

Tinawag ng dalawa na ‘degrading’ o nakakababa ng dangal dahil pinapatuwad sila ng paulit ulit nang walang saplot.

Anila, hindi pa rin katanggap-tanggap kahit isang lady security guard ang nag-check sa kanila sa isang pribadong cubicle.

Kinuwestiyon ng dalawa ang bagong polisiya mula sa Bureau of Corrections (BuCor) na ibinaba sa Inmate Visitation Unit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *