Students organizations sa Naga City posibleng isailalim sa beripikasyon at evaluation ng konseho para matiyak ang legalidad

NAGA CITY  – Posibleng magkaroon ng pagbe-beripika at evaluation ang konseho ng Naga sa lahat ng mga existing students organizations sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod, pribado man ito o pang gobyerno.

Layunin ng planong ito ay iyong matiyak na legal ang grupo, ang seguridad ng bawat miyembrong estudyante at higit sa lahat hindi ito bad influence sa kaisipan at aktibidad ng bawat mag-aaral.

Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Education Committee sa konseho, kaugnay sa isyu pagkakasangkot ng ilang mga estudyante sa isyu political dahil sa kinabibilangang grupo.

Sinabi ng konsehal na kaya nasa paaralan ang mga estudyante ay upang mag-aral at matuto, hindi iyong mamamali sila dahil sa maling nakasamang organisasyon, tulad ng ilang mga kuwestyonabling fraternity.

Puwede niyang imungkahi sa konseho na gawing isa sa agenda ay ang ipatawag ang mga student leaders at mga school administrators para sa layuning ito.

Naniniwala ang opisyal na isa ito sa paraan para maging “aware” ang mga estudyante sa grupong kanilang kinaaaniban sa loob ng paaralan.        

  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *