Subic Water ipinaliwanag ang inihaing petisyon para sa dagdag singil sa tubig

Ipinaliwanag ng Subic Water ang petisyon nito para sa dagdag singil sa tubig.

Nito lang June 1 ay nagsimula na ang public hearing na ipinatawag ng Subic Bay Water Regulatory Board para sa petisyon ng Subic Water sa water rate adjustments na isinagawa sa FMA Hall ng Olongapo City Hall.

Bago ito, iprenesenta muna ng Subic Water ang kanilang mga naging proyekto, plano at mga gagawin pa sa lungsod at sa Freeport Zone.

Sinundan ito ng presentasyon ng kanilang petisyon, sa kasalukuyan ay nasa 44.47 ang standing charge para sa domestic na nasa 27.50 ang per cubic para sa mga kumukunsumo ng 0-10 cubic meter.

Sa petisyon, kung sakaling maaprobahan ay magiging 66.71 ang standing charge ng domestic, 41.27 per cubic para sa mga kumukunsumo ng 0-10 cum sa October 2023 habang magiging 48.69 per cubic sa mga kumukunsumo ng 0-10 cum at nasa 78.71 na ang standing charge sa October 2024.

Kaugnay nito, iba rin ang halaga para sa commercial, government at institutional.

Paliwanag ni Subic Water Consumer Div. Head Thelma Villanueva, ito ay petisyon pa lamang at nakadepende pa sa Subic Bay Water Regulatory Board kung aaprobahan.

Taong 2017 pa umano ang pinakahuling increase ng Subic Water na inaprobahan ng board at base sa kanilang karanasan ay hindi isandaang porsyento ang pinapayagan ng SBWRB sa kanilang mga naging petisyon.

Kaugnay nito, mayroon pang mga kasunod na public hearing sa June 16 sa Olongapo at June 15 sa Subic Bay kaya hinihikayat ang publiko na dumalo dito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *