Subpoena para kay Quiboloy, napirmahan na ni SP Zubiri

Nanindigan si Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, Chairperson, Senadora Risa Hontiveros na hindi niya papayagang maetsapuwera ang tapang at lakas ng loob na inipon ng bawat victim-survivor upang labanan si Apollo Quiboloy.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Hontiveros sa kanyang opening statement na pinirmahan na ni Senate President Migz Zubiri ang subpoena laban kay Quiboloy.

Ito ay matapos ang kanyang naging pahayag noong Kapihan sa Senado na hindi pa ito napipirmahan ni Zubiri mula sa pagsumite niya noong February 6.

Sa nasabing subpoena ay inuutusan si Quiboloy na dumalo sa pagdinig sa Senado at harapin ang akusasyon laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *