Substandard na mga pailaw, iwasan- MDRRM Milaor

NAGA CITY –Naging sentro sa ginawang Municipal Anti-Drug Abuse Council ng LGU-Milaor ang ilang mga paalala hinggil sa tamang pag-iwas sa anumang insidente o aksidente, kabilang na ang sunog dahil sa pag gamit ng mga sub-standard na Christmas decoration tulad ng Christmas lights.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM  Naga kay Edwin Olitoquit, MDRRM Officer na naturang bayan, sinabi nito na hindi maiiwasan na bumili ng mga substandard na ang publiko dahil sa mas mura ito kung ihahambing sa may kalidad na Christmas lights.

Wala pa naman aniyang nangyayaring insidente ng sunog sa kanilang lugar pag ganitong panahon, subalit mabuti na rin ang naniniguro lalo pa at may simbang-gabi at misa de gallo.

Kabilang pa sa mga dumalo sa naturang meeting bukod kay Olitoquit ay mismong si Milaor Mayor Anthony Reyes, mga personahe ng Phil National Police at Bureau of Fire Protection.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *