Sugat na dulot ng paputok sa nakalipas na pagdiriwang ng pasko at bagong taon delikado pa rin sa tetanus kahit nagamot na ayon sa DOH

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga tinamaan ng paputok sa nakalipas na pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon na i- monitor ang kanilang sugat para makaiwas sa tetanus.

Posible pa rin kasi ang tetanus kahit pa nagamot na ito o nalapatan ng lunas.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na ang incubation period sa tetanus ay dalawa hanggang 14 na araw o para  lumabas ang signs and symptoms.

Ikinalungkot rin ng DOH na sa kabila ng mahigpit na paalala na umiwas sa paputok ay marami pa rin ang mga nadisgrasya dahil dito.

Sa datos ng Department of Health umaabot sa 16 ang mga tinamaan ng paputok sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa bagong taon o tumaas ng 36 %.

Pumangalawa ang lalawigan sa may pinakamataas na kaso ng mga nadisgrasya ng paputok sa buong Bicol Region na halos kalahati pa ay mga kabataan.

Ang pagtatala ng DOH ng fireworks related injury ay ang mga nanggaling lang sa sentinel site at dito sa lalawigan ay ang Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Pero kung isasama ang 9 na taong gulang na bata na dinala sa Labo District Hospital, magiging 17 ang kabuuang bilang ng fireworks related injury sa Camarines Norte kapareho ng Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *