Sugatang NPA sumuko sa Tboli, SoCot

KORONADAL CITY- SUMUKO sa mga otoridad ang sugatang miyembro ng New People’s Army o NPA sa Barangay Edwards, T’boli, South Cotabato.

Kinilala ito na si Ricky Lumbay alyas Jeric, na buluntaryong sumuko sa mga otoridad bitbit ang isang caliber 5.56 M16A1 Carbine Rifle.

Ayon kay Brigadier General Pedro Balisi Jr. ang sumukong rebelde ay miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG na may operasyon sa mga bulubunduking bahagi ng bayan.

Dagdag pa ng opisyal na kabilang si alyas Jeris sa anim na mga naitalang nasugatan na mga NPA sa nangyaring engkwentro sa ginta ng mga otoridad noong Enero 5 ngayong taon.

Isinailalim naman ito sa mga programa ng gobyerno upang makapangsimula ng panibagong buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *