Sundalo, aksidenteng nabaril ang sarili-patay

Patay ang isang 35 anyos na Sarhento matapos na aksidenteng mabaril ang kanyang sarili bandang alas-onse kagabi sa Bgy. 3 Roxas Palawan.

Sa imbestigasyon ng PNP, naglilinis ng kanyang service firearm ang biktima nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo.

Dagdag pa sa ulat, hindi umano namalayan ng sundalo na may isang bala pa sa chamber ng kanyang baril (Glock 17 caliber 9mm pistol).

Samantala, isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang hindi na pinangalanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *