Sundalong nasugatan dahil sa pagtanggol sa mga botante sa Sultan Kudarat, pinarangalan

Binigyan ng Wounded Personnel Medal ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Maj. General Alex Rillera ang sundalong sugatan sa pagtatanggol ng mga botante sa Crossing Simway Elementary School, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Si SSG Alejandro Puon ng 6th Mechanized Infantry Battalion, ay nagpapagaling ngayon sa Camp Siongco Station Hospital, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nagtamo ng sugat si Puon nang paulanan ng bala ng hindi pa kilalang Gunman ang naturang polling Center noong Oktubre 30.

Binati ni Rillera ang mga tropa ng JTF Central sa kanilang mahusay na pakikipagtulungan sa PNP at iba pang pwersang panseguridad ng gubyerbo sa pagtiyak ng matagumpay sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *