Sunog sa balatas dumpsite umabot na sa tinatayang isang ektarya

NAGA CITY –Kinakalkal ng bulldozer ng Solid Waste Management Office ang nasusunog na bahagi ng dating open dumpsite sa Barangay Balatas, Naga City.

Sa pagtantiya nina Engr.Joel Martin head ng SWMO ay halos nasa isang ektarya na ang apektado rito sa likod na bahagi ng dating basurahan. Sinabi nitong mga plastic materials na nasa ilalim ang nasusunog kaya hindi pa rin maapula ng tuluyan. Idagdag pa ang iba pang mga hindi nabubulok na mga combustible materials na siya ngayong kinakalkal ng bulldozer, inihihiwalay ang mga hindi pa nasusunog at iyong mga sunog na.

Sinabi ni SFO1 Arwin Yap, ang matinding init ng panahon at umano’y mga nangangalakal ang nakikita at posibleng dahilan. Inabot sila ng walong oras kagabi sa pag-apula sa sunog at nag rekindle pa kaya nakaantabay hanggang ngayong araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *