Sunog sa PGH, under control na

Idineklarang fire-under control ang sumiklab na sunog sa main building ng Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay Administrative 3 Officer Ferdinand Lales, nagwe-welding sa kinukumpuning gusali malapit sa ward 1 nang biglang sumabog at kumalat ang sunog sa gusali.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot pa ang sunog sa ikalawang alarma at hindi bababa sa 13 trak ng bumbero upang maapula ang apoy.

Samantala, patuloy pa ring iniimbestigahan ng BFP ang tunay na sanhi ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *