Sunog sumiklab sa Bombon, Camarines Sur

CAMARINES SUR – Nangangalit na apoy ang nasaksikan ng mga residente sa Bombon, Camarines Sur mag-aalas- 8 kagabi.

Ayon kay SFO4 Meriam Bardon, Fire Marshall ng bayan, sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay San Roque partikular na malapit sa chapel.

Dali-daling namang inalis ng mga residente ang mga nakaparadang motorsiklo malapit sa nasusunog na bahay.

Sinubukan sana ng ilan na maapula ang sunog pero hindi iyon sapat sa laki na ng apoy. Dumating ang mga bumbero ng Bombon, karatig bayan at fire volunteers mula pa sa Naga City. Problema sa Electrical wirings ang nakitang posibleng sanhi.

Wala pang pinal na pinsala, kasama sa mga nasunog ang printing machine at iba pang gamit sa sisimulang negosyo. Wala namang nasaktan sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *