Sunog sumiklab sa San Marcelino at Olongapo City

Sumiklab ang isang sunog nitong Linggo sa Corner Ladao St., Brgy. Central sa San Marcelino, Zambales.

Ayon sa BFP San Marcelino, naapektuhan ang dalawang bahay kung saan mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light materials.

Tumulong rin sa pagresponde na umabot sa ikalawang alarma ang mga fire station mula sa ibang kalapit na bayan.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi nito habang wala naman aniyang nasaktan sa pangyayari.

Bago pa ito, noong Sabado ay isang sunog rin ang nangyari sa isang bahay sa New Cabalan, Olongapo City kung saan tupok ang kanilang tirahan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *