Naga

Sunog sumiklab sa unang araw ng Fire Prevention Month sa Camarines Sur

NAGA CITY- Nilamon ng apoy ang isang bahay sa Goa, Camarines Sur sa mismong araw ng pagsisimula ng Fire Prevention Month, Marso 1, 2023; apat na pamilya ang apektado.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Goa, nakasaad na nangyari ito bandang alas 5:21 ng hapon sa Poblacion San Isidro partikular sa bahay ng mga Cea. Nakapagresponde ang BFP at MDRRMO.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni BFP Goa Spokesperson FO1 Marie Peñafrancia Cortez sa inisyal na imbestigasyon nagsimula ang apoy sa napabayaang sinasaing sa uling, posibleng may tumalsik na baga ng apoy (embers of fire) at tumama sa madaling masunog tulad ng kurtina at plywood.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang imbestigasyon at inaalam ang halaga ng pinsala. Mabuti naman ayon sa BFP walang casualty sa pangyayari.

BNFM Naga

Recent Posts

Pagkain ng mga atleta ng Camarines Norte sa katatapos lang na Palarong Bicol bitin

CAMARINES NORTE - Hindi nakapagpigil si Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla na magpasaring…

2 hours ago

Angeline Quinto, inanunsyo ang kanyang muling pagbubuntis

Usong uso ngayon ang Asoka Trend na nagmula sa isang Indian movie. Ngunit gumawa ang…

2 hours ago

Camarines Norte isa na lang sa dalawang probinsiya sa Bicol na walang kaso ng pertussis

CAMARINES NORTE - Napanatili ng Camarines Note ang “pertussis free” status makaraang walang maitalang kaso…

2 hours ago

Pilipinas, masiglang sinimulan ang 2024 AFC U-17 Women’s Asian Cup

Masiglang sinimulan ng Philippine women's under-17 national team ang 2024 AFC U-17 Women's Asian Cup.…

3 hours ago

Imahe ni Ina at Divino Rostro nasa Paracale na

CAMARINES NORTE - Dumating na nitong Lunes ng hapon ang ang pilgrim image ni Ina,…

3 hours ago

DepEd personnel bawal mangolekta ng kontribusyon na may kinalaman sa graduation at moving up

CAMARINES NORTE - Pinaalalahanan ng Department of Education na bawal mangolekta ang mga empleado nito…

3 hours ago