Sunog sumiklab sa unang araw ng Fire Prevention Month sa Camarines Sur

NAGA CITY- Nilamon ng apoy ang isang bahay sa Goa, Camarines Sur sa mismong araw ng pagsisimula ng Fire Prevention Month, Marso 1, 2023; apat na pamilya ang apektado.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Goa, nakasaad na nangyari ito bandang alas 5:21 ng hapon sa Poblacion San Isidro partikular sa bahay ng mga Cea. Nakapagresponde ang BFP at MDRRMO.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni BFP Goa Spokesperson FO1 Marie Pe├▒afrancia Cortez sa inisyal na imbestigasyon nagsimula ang apoy sa napabayaang sinasaing sa uling, posibleng may tumalsik na baga ng apoy (embers of fire) at tumama sa madaling masunog tulad ng kurtina at plywood.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang imbestigasyon at inaalam ang halaga ng pinsala. Mabuti naman ayon sa BFP walang casualty sa pangyayari.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *