Phoenix Suns pasok na sa NBA Finals matapos ang halos 30-taon

Matapos ang halos tatlong dekada muling nakapasok sa NBA Finals ang Phoenix Suns.

Hindi na nakaporma ang Los Angeles Clippers sa Game 6 na naghabol simula sa umpisa ng laban hangang sa final buzzer, 130-103.

Iginiya ni veteran guard Chris Paul ang Suns para sa kauna-una-unahang Finals appearance simula noong 1993 matapos itong humakot ng 41 points at 8 assists.

Tumulong naman kay Paul sina Devin Booker na nagtala ng 22 puntos at 7 rebounds habang may 19 points si Jae Crowder na uminit mula sa tres.

Nanguna naman sa Clippers si Marcus Morris na nagtala ng 26 points habang may 21 points naman si Paul George.

Hindi rin nakapaglaro si Kawhi Leonard dahil sa injury.

Hihintayin naman ng Suns ang mananalo sa serye ng Milwaukee Bucks at Atlanta Hawks sa Eastern Conference Finals na kasalukuyang may 2-2 standing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *