Sunset Memorial Service, gagawin bilang pagbibigay pugay sa WWII veterans

SORSOGON CITY – Bilang bahagi ng 80th celebration ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week, nakatakdang magsagawa ng isang Sunset Memorial Service ang LGU-Gubat.

Gaganapin ito sa Panganiban Boulevard bukas, araw ng Biyernes, ika-8 ng buwan ng Abril, ganap na alas singko ng hapon.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng LGU ang mga anak at kapamilya ng 274 na mga Gubatnon World War II veterans na dumalo sa aktibidad bilang bahagi ng pagbibigay pugay sa mga ito.

Nabatid na isa ang bayan ng Gubat sa may pinakamaraming World War II veterans sa buong Lalawigan ng Sorsogon,

Ito ang dahilan upang itayo noong 1969 ni yumaong Congressman Salvador Encinas ang World War II Veterans Memorial na matatagpuan sa Gubat Municipal Hall grounds bilang paggunita at pagbigay pugay sa nasabing mga beterano, kung saan ang mahigit 50 sa mga ito ay kanyang nakasama sa Capas Concentration Camp sa panahon ng Bataan Death March noong Abril 9 – 17, 1942.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *