‘Super rich tax’ muling binuhay sa Kamara

Muling binuhay ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na isabatas ang super rich tax.

Ito ay matapos na lumabas ang resulta sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations na 48% ng mga Pilipino ang nagsasabing mahirap sila.

Sinabi ni Castro na batay sa computation ng IBON Foundation nasa 3,000 bilyonaryo sa bansa ay maaaring kumita ang gobyerno ng P502 bilyon sa panukalang buwis.

Sa halagang ito P259.4 bilyon ang manggagaling sa 50 pinakamayamang Pilipino.

Ayon kay Castro ang makokolektang dagdag buwis sa mga bilyonaryo ay mas malaki pa kumpara sa panukala ng administrasyong Marcos na magpataw ng buwis sa digital services, single-use plastic, sweetened beverages, at junk food na nasa P100 bilyon lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *