Suplay ng gamot mula sa drugmaker na Pfizer, posibleng kulangin matapos masalanta ng buhawi ang kanilang warehouse

NANGANGAMBA  ngayon ang Drugmaker na Pfizer hinggil sa posibilidad na masira ang aabot sa 30 uri ng gamot kabilang ang mga injection drugs at painkillers, matapos na masalanta ng buhawi ang kanilang warehouse sa bahagi ng North Carolina sa Estadus Unidos.

Ayon sa nasabing drugmaker, nagpaabot na sila ng liham sakanilang mga sinu-suplayang ospital dahil posible umanong maranasan ng mga ito ang kakulangan ng suplay ng mga naturang gamot.

Dahil sa insidente, pansamantala munang nilimitahan ng Pfizer ang bilang ng mga pwedeng bilhing gamot ng kanilang mga customers para masigurong ang lahat ng mga ito ay mabibigyan.

Nanalasa ang naturang buhawi nitong nagdaang Miyerkules kung saan napuruhan ang buong warehouse ngunit hindi naman umano labis na naapektuhan ang production facilities.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *