Suplay ng isda, sapat ngayong Semana Santa – BFAR

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa bansa ngayong Semana Santa.

Nagbukas na rin kasi ang mga pangisdaan matapos ang closed fishing season mula noong isang taon.

Kaugnay rito, bumaba rin ang presyo ng galunggong.

Mula sa P320 kada kilo noong nakaraang linggo ay nasa P220 hanggang P280 na lamang ang kada kilo nito.

Inaasahang mas bumaba pa ang presyo ng galunggong sa peak season ngayong tag-init.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *