Suplay ng Noche Buena items, sapat hanggang sa katapusan ng taon – DTI

Sinisiguro ng Department of Trade Industry (DTI) sa mga consumer na sapat ang supply ng noche buena item hanggang katapusan ng buwan ng disyembre.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, sinabi nito na mismong nakausap nila ang mga manufacturer na nagkumpirma ng supply habang tiniyak din ng mga ito na sumusunod ang mga retailer sa kanilang noche buena price guide.

Nilinaw naman ni Nograles, na nasulosyunan na ang mga sumbong ng ilang mga mamimili sa mga retailer na hindi sumusunod sa price guide habang nagbigay naman ito ng paalala na asahan na ang pagtaas ng presyo ng ilang bilihin sa susunod na taon.

Muli naman nagpaalala ang DTI sa mahigpit na pagsunod sa price guide bagaman at hinikayat ang mamimili na ireport ang mga hindi sumusunod para maaksyunan ito ng ahensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *