Suporta ng ibang bansa sa arbitral ruling sa West Philippine Sea, welcome sa DND

Welcome sa Department of National Defense (DND) ang suporta ng ilang mga bansa sa Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng pagdiriwang kahapon ng ika-limang anibersaryo sa pagkakapanalo ng Pilipinas sa permanent court of arbitration.

Dito ay kinilala ang karapatan ng bansa sa exclusive economic zone nito sa West Philippine Sea at pagbalewala sa claim ng China sa nasabing karagatan.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang arbitral award ay isang milestone sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kaugnay nito, nanawagan naman ang kalihim sa lahat ng partido na may interes sa West Philippine Sea na tumalima sa panawagan para sa rules na nakabase sa international order at iwasan ang mga hakbang na magpapalala sa sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Dagdag pa ng kalihim, alinsunod sa national policy, patuloy na isusulong ng Pilipinas ang mapayapa at palakaibigan na pagresolba sa lahat ng maritime dispute.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *