Supply ng imported na sibuyas sa NCPM mas marami pa rin kaysa lokal

NAGA CITY – Mas marami pa rin ang supply ng imported ng sibuyas kaysa sa lokal na produkto sa Naga City People’s Mall (NCPM).

Sa probinsya ng Nueva Ecija ibinebenta na lang sa halagang P17.00 ang kada kilo ang puting sibuyas mula sa dating P700 ang bawat kilo. Una nang sinabi ng Chairman ng Bongabon East Farmers & Fisheries Service Cooperative Dan Alfaro na bagsak presyo na ang naturang produkto dahil sa napakarami pang imported kaya’t hindi nabibili ang local na sibuyas.

Ayon kay Francis San Juan nanagtitinda sa merkado, malaking hamon ito para sa kanila dahil hindi lahat ng tinda ay nauubos, kung kaya ibinabagsak presyo nila upang hindi malugi ang kanilang negosyo.

Sa ngayon ang presyo ng puting imported na sibuyas ay P120.00 ang kada kilo habang ang pulang sibuyas na malaki P140 kada kilo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *