Supply ng kuryente ngayong holiday season, sapat –CASURECO II

CAMARINES SUR- Sa kabila ng kaliwa’t kanang konsumo ng mga pailaw ngayong holiday season, may sapat na supply ng kuryente ang Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO 2).

Ito ang tiniyak sa Brigada News FM Naga ni Rinner Bucay, tagapagpahayag ng CASURECO II kung saan base na rin sa kanilang pagmonitor sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), wala pa namang nakikitang yellow o red alert status na ipinapalabas ng ahensya kaugnay sa pagbaba ng supply ng kuryente.

Pagdating naman sa taripa nito, nakadepende sa presyo ng kanilang supplier ang magiging singil sa mga member-consumer.

Sa obserbasyon naman ni Bucay, hindi gaanong mabubutas ang bulsa ng mga konsumidor sa bill ng kuryente ngayon dahil karamihan sa mga ito nagbabawas sa paggamit ng aircon at electric fan dala ng malamig na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *