Supply ng pangunahing agri-commodities, sapat para sa Holiday season -DA

Positibo ang Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng ilang pangunahing agricultural commodities ngayong darating na Christmas holiday season kaya walang dapat na ipangamba ang taong bayan.

Ayon kay Assistant Secretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng DA, hindi kukulangin ang supply ng bigas, baboy, asukal at manok hanggang katapusan ng taon.

Bunsod ito ng tinatayang 20 milyong metriko tonelada na produksyon ng bigas na maabot na ng bansa dahil sa mataas na bilang ng naani at mula sa mga na-import sa ibang bansa.

Dahil dito, makakamit ng ahensya ang 90-day national stock inventory sa 2024 habang sa usapin naman ng baboy at manoka at tiniyak ng DA na matutugunan ng kasalukuyang supply ang pangangailangan sa merkaso.

Samantala, bukas ay nakatakda ng ibigay ni DA Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. ang janyang marching order sa departamento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *