Suplay ng tubig sa Pasacao, hindi pa sigurado kung kailan makakabalik sa normal

CAMARINES SUR – “Kailan na kaya makakabalik sa normal ang suplay ng tubig?

Tanong na ng ilang residente sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur, matapos ang halos tatlong buwan nang nakakaranas ng pagkukulang sa suplay ng tubig epekto ng matinding init ng panahon kung saan umabot na lang sa lima hanggang labing lima ang liter per second na binubuga ng well pump sa mga bahay na kulang na kulang na para sa mahigit 2,000 na consumer.

Ayon kay Gina Belle Bengua, General Manager ng Pasacao Water District,/ wala pang kasiguraduhan kung kailan makakabalik sa normal ang suplay ng tubig na halos apektado ang lahat ng Barangay sa bayan. Nagkaroon na ng mga Barangay Consultation, schedule sa pagpapabuhos upang lahat ay masuplayan, pag-iimbak sa gabi ng mga personahe na irarasyon asin pakikipag-usap sa mga pribadong may sariling suplay bilang aksyon sa problema at patuloy pang naghahanap ng paraan lalo na kailangan ng tubig ngayon.

Kung saan hangad ng opisyal ang pag-uunawa at pagpapasensya. Ngayon upang hindi gaano masubra sa pagbayad nagkakaroon ng disconnecting sa iba saka na lamang ibinabalik o kinu-connect ulit ang tubig kapag lumakaslakas ang buhos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *