Supply ng tubig sapat kung kailangan sa pagresponde sa sunog- MNWD

NAGA CITY –Sapat ang tubig na kayang ma i –supply ng Metropolitan Naga Water District sa mga fire trucks ng Naga City Bureau of Fire Protection kung may insidente ng sunog sa lungsod at maging sa mga karatig-bayan, yan ang pahayag ni MNWD General Manager Florencio Tam Mongoso Jr.

Tiniyak ni Mongoso na may tubig silang nakahanda para sa mga bumbero na magre responde sa sunog na halos nagkakasunod na nangyayari sa lungsod at sa ilang bayan sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa kanya, sinabi niyang bagamat may mga repair and rehabilitation silang nagaganap ay hindi naman ito magiging problema dahil sa umaandar naman ang iba pang water pumping station ng MNWD. 

Kabilang sa nirespondehan ng BFP-Naga ay ang pagkasunog ng bahay sa Bombon at sa lungsod ng Iriga noong nakaraang linggo lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *