Surfer mula sa bayan ng Gubat sasabak sa semifinals ng Surf City Borongan Master Open Longboard Division

Sasabak sa semifinals ang surfer mula sa Gubat, Sorsogon na si Vea Estrellado, ito’y matapos na makuha ng atleta ang unang puwesto sa kanyang mga heat sa Surf City Borongan Master women’s open longboard division na kasalukuyang ginaganap sa Baybay Beach sa Borongan City Eastern Samar.

Ang pambato ng Sorsogon ay namayagpag matapos na makakuha ng nangungunang 6.25 na puntos na sinundan ni Daisy Valdez ng La Union na pumalo ng iskor na 5.25 upang makasamang umabante sa kompetisyon.

Noong Nobyembre 13, si Estrellado ay tinanghal ding kampeon sa Women’s Open Shortboard Division ng 3rd Leg ng 2023 NextGen Pilipinas Surfing National Tour na ginanap sa Baler Aurora.

Kung matatandaan taong 2021 si Vea ay sumabak na sa qualifying games sa El Salvador para sa Tokyo Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *