Suspect sa Shinzo Abe shooting, inaming gumamit ng handmade gun

Pinangalanan ng Japanese police ang pinaniniwalaang suspek sa pagbaril kay dating prime minister Shinzo Abe, na si Tetsuya Yamagami, walang trabaho at 41-taong gulang.

Pag-amin ni Yamagami sa mga pulis, na gumamit umano siya ng handmade gun sa krimen.

Ang assassination kay Abe ay nangyari habang nagtatalumpati ito para sa isang campaign event sa Nara region.

Samantala, labis na kinondena ng mga politicians, business leaders at voters sa Japan ang fatal shooting sa dating Prime Minister.

Giit ng mga miyembro ng ruling Liberal Democratic Party, na dating pinamumunuan ni Abe bilang presidente, at ng main opposition Constitutional Democratic Party of Japan, na intolerable ang karahasan sa kahit anumang pagkakataon, at labis umano ang kanilang galit sa naturang insidente. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *