Suspek sa pagnanakaw sa paaralan sa Roxas Palawan, arestado na.

Nahaharap na sa kaso ang suspek sa pagnanakaw sa Trinidad Cario Elementary School sa Sitio Linapawan , Brgy. Dumarao, Roxas Palawan nitong madaling araw ng April 29, 2021.

Nitong May 4 ay  kinumpirma ng Roxas PNP na nahuli na ang suspek at narekober  na ang mga ninakaw na gamit sa paaralan matapos na umamin bandang huli ang suspek na si Rico Anello Aquino, 47 anyos resident ng Purok 6 Brgy. New Barbacan, Roxas.

Sa ulat ng pulisya, sa una ay itinanggi ng suspek na siya ang kumuha sa mga nawalang gamit at sa halip ay iginiit nito na idaan sa legal na proseso ang paghalughog ng awtoridad sa kanyang tinitirahan.

Samantala, may saksi rin ang nagsabi sa pulisya na nakita nitong itinago ng suspek at isa pa ang mga gamit ng paaralan sa bakanteng lote sa Municipal Airstrip Brgy. New Barbacan, Roxas.

Dahil dito, bitbit ang search warrant ay agad na hinalughog ng pulisya at lokal na opisyal ang lugar at dito nadiskobre ang mga gamit ng paaralan; mga sabon, portable generator, HP Tablet PC, HP Tablet Mouse, HP Tablet charger,  HP Tablet Packard with Bag, Audio Mixer at AVR 500 watts.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *