Suspek sa panununog sa isang unit ng Yellow Bus line, huli

ARESTADO sa pamamagitan ng joint operation ng PNP at Militar ang umanoy suspek sa nangyaring pagpapasabog at panununog ng isang unit ng yellow bus line sa North Cotabato noong January 27, 2021. Kinilala ang suspek na si Ali Akbar, na residente ng Barangay East Patadon, Kidapawan City.

Ayon kay 602nd Infantry Brigade, Commander Brig. Gen. Roberto Capulong, si Akbar ay nahuli sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa kasong double murder at multiple frustrated murder.

Narekober sa posisyon ng suspek ang dalawang IED, isang blasting cap, mga IED components at ISIS flag. Dagdag pa ni Gen. Capulong na si Ali Akbar ay kilalang IED expert at extortionist na nag-ooperate sa North Cotabato at nabibilang din ito sa an Dawlah Islamiya-Hassan Group.

Matatandaan na noong January 27 nang sumabog at nasunog ang isang unit ng YBL sa bayan ng Tulunan na nagresulta sa pagkasawi ng isang vendor.

Nitong June 3 naman ay mayroong isang kahalintulad na insidente rin na naitala sa bayan naman ng Mlang at tatlo ang nasawi matapos masunog sa loob ng bus ng YBL.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *