Suspek sa paulit-ulit na panggagahasa ng step-daughter arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY  – Nakamtan na ng isang 12-anyos na dalagita ang kanyang hustisya matapos na mapasakamay ng mga tauhan ng Legazpi CPS ang akusado na paulit-ulit  na ginahasa sa kanilang tahanan sa Purok 1, Brgy. Bonga lungsod ng Legazpi.

Arestado si alyas Putol 50 anyos na lalaki na kinakasama ng  ina ng biktima at residente ng nabanggit na lugar,  tanghali nitong Oktubre 6, 2021 sa P3, ng nasabing barangay.

Ayon sa salaysay ng biktima, gabi ng Hunyo 27, 2021  ng  naganap ang pinakahuling pangmomolestiya sa kanya ng akusado. Niyaya umano siya nito na pumasok sa bahay, binigyan ng Php 20.00 at pwersahang pinahiga bago nangyari ang panghahalay.

Saad pa ng biktima, makailang beses at hindi niya na matandaan pa ang mga araw at oras na ginawan siya ng kahalayan ng kanyang madrasto. At sa lahat ng insidente ay binibigyan di umano siya nito ng pera.

Matapos na magsumbong ang biktima sa  Legazpi CPS, ay agad naman itong inaksyunan ng nasabing himpilan at sinampahan ng kaukulang kaso ang salarin.  Sa bisa ng “Warrant of Arrest ng korte laban sa akusado na may petsang Oktubre 5, 2021 para sa kasong “Rape” sa ilalim ng Criminal Case No. FC-21-3801, na walang inirekomendang piyansa para sa  pansamantalang kalayaan, ay tuluyan na nga na napasakamay ng mga awtoridad ang akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Legazpi CPS ang akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *