Suspek sa ‘sextortion’, arestado ng NBI

Nahaharap sa patong- patong na kaso ang 30 anyos na lalaki na nagpakalat umano ng sex video ng dati nitong karelasyon na isang 14 anyos na babae.

Inaresto ang suspek na si Jay mark B. Briones ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa Palawan ngayong Martes, January 23, 2024.

Ayon sa tiyahin ng biktima, niligawan ng suspek ang kanyang pamangkin anggang sa makuha ang loob nito.

Nagkita at pinilit umano na painumin ng alak ng suspek ang biktima habang sa nawalan ng malay ang dalagita bago ito inabuso.

Nag-video pa raw ang suspek bago ito ipinadala sa mga kaklase ng biktima pero itinaggi ng suspek ang mga alegasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *