Guadiz hindi na magsasampa ng libel charges vs Tumbado

Pinatawad na raw ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III ang kanyang dating execustive assistant na si Jeffrey Tumbado na nag-akusa sa kanya na sangkot sa katiwalian sa ahensiya.

Sa isang panayam sinabi ni Guadiz, na hindi na rin siya magsasampa ng libel charges laban kay Tumbado makaraang humingi ito ng tawad sa kaniya.

Sinabi ni Guadiz na nakikita niyang dahilan ng mga naging akusasyon ni Tumbado sa kanya nang ma-demote ito sa kanyang posisyon dahil daw sa ugali niya sa trabaho.

Itinanggi naman ng dating LTFRB chair na sangkot siya sa anumang  katiwalian sa ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *