Suspensyon ng on-site classes sa hapon ng mga mag-aaral sa Cauayan City, magpapatuloy

Magpapatuloy hanggang ika-31 ng Mayo taong kasalukuyan ang suspensyon ng on-site classes ng mga mag-aaral sa hapon bunsod pa rin ng nararanasang matinding init ng panahon.

Batay sa Executive Order No. 50 na inilabas ng Local Government Unit ng Cauayan City, matapos ang isinagawang pagsusuri ng mga departamento ng pamahalaang panlungsod ay inirekomenda ang patuloy na suspension ng klase sa hapon para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Ito rin ay matapos ilabas ng DOST PAG-ASA na posibleng maranasan pa ang mataas na heat index sa mga susunod na araw.

Sakop ng naturang kautusan ang suspensiyon sa face-to-face class ng mga mag-aaral sa hapon sa lahat ng antas kung saan inirerekomenda sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institution maging graduate schools na magsuspinde rin kung kulang sa air-conditioning units ang mga silid-aralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *