Suspensyon ng Philippine Tennis Association, inalis na ng ITA

Inalis na na ng International Tennis Federation (ITA) ang suspensiyon nito sa Philippine Tennis Association (PHILTA).

Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino matapos niyang makatanggap ng liham mula kay ITF president David Haggerty.

Maalalang nakatanggap ang PHILTA ng dalawang taong suspensiyon matapos sabihn ng ITF na mayroong exclusive membership base, na nangangahulugang hindi sila kuwalipikadong maging isang national sports association (NSA).

Pamumuan na ng bagong halal na presidente na si Eric Olivarez, ang City Mayor ng Paranaque, Philta’s Board of Trustees, at inaasahang makakasama niya sina Olongapo City mayor Rolen Paulino, Gerardo Alcala ng Calabarzon, at Theodore Jose Matta ng Mimaropa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *