SUV driver na nakatulog at nakabangga ng isang motor, humarap sa LTO

Humarap na sa Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR) ang SUV driver na umararo ng motorsiklo at nagulungan pa ang babaeng angkas nito sa EDSA Shaw, Mandaluyong City.

Ito’y bilang tugon sa show-cause order na inisyu ng ahensya para magsumite ang driver ng paliwanag.

Matatandaang nakatulog ang driver sa EDSA nang katukin ng concerned citizens, nagulat ang SUV driver at biglaan na lamang pinaandar ang sasakyan.

Ayon kay LTO-NCR Assistant Director Hanz Lim, patong-patong na reklamo ang haharapin ng driver batay sa nakuha nilang video dahil malinaw na reckless driving ang nangyari.

Bukod dito, hindi pa rehistrado ang kanyang sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *