Swine Repopulation, Rehabilitation and Recovery (R3) credit program, inilunsad sa Isabela

Inilunsad ngayong araw, June 10 ang Swine Repopulation, Rehabilitation and Recovery (Swine R3) credit program ng Department of Agriculture kasabay nang pagbisita ni DA Sec. William Dar sa Provincial Capitol, City of Ilagan, Isabela.

Layunin ng programa na matulungan ang gobyerno sa pagsisiguro ng patuloy na pagkakaroon ng supply ng baboy at pork products at ma-stabilize ang presyo nito sa merkado sa pagtutulungan ng DA, Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa kaniyang pahayag ay sinabi ni Sec. Dar na sa ilalim ng Swine R3 program, ang DBP ang siyang magpapautang sa mga kwalipikadong magsasaka para sa pagsisimula o pagtataguyod ng kanilang pag-aalaga ng baboy nang walang interes.

Pangunahing tinitingnan na kwalipikasyon para sa naturang pautang ang pagpapatupad ng mga hog raisers ng biosecurity.

Ang DBP ang mag-eevaluate, mag-aapruba ng loan application, magpaparelease at mangongolekta ng payments.

Ayon sa kalihim mayroong insyal na 500 milyon pesos na inilaan ang ACPC sa pamamagitan ng DBP para sa naturang programa kung saan maaring maka-utang ang mga star-up commercial hog raiser mula 5 million pesos hanggang 15 million pesos.

Paliwanag pa ni Sec. Dar, ang pautang ay payable sa loob ng 8 taon at mayroong grace period na 2 taon at may minimum service fee na 3.5% per annum.

Sinabi naman ni DBP President and CEO  Emmanuel Herbosa na sa pamamagitan ng swine R3 program ay maaabot ang consumer demand at upang magkaroon ng stable na presyo ng karne ng baboy sa Philippine market.

Samantala, nagpasalamat naman si Gov. Rodito Albano III sa pagkakaloob ng pagkakataon upang muling mabuhay ang hog industry sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *